^

Probinsiya

Higanteng pawikan nailigtas

- Ni Boy Cruz -

BULAKAN, Bulacan, Philippines — Isang higanteng pawikan na aabot sa 50 kilo ang bigat ang nailigtas ng mga ma­ngingisda makaraang sumabit ito sa lambat sa isang baybayin sa Brgy. Ta­liptip sa bayang ito.

Base sa report, dakong alas-2:10 ng hapon habang naglalatag ng mala­king lambat sina Edgar Pilapil, 39; Jaime Carpio, 52; at Noel Orias pawang mga residente ng Brgy. Sta. Ana sakay ng kanilang bangka upang manghuli ng mga isda sa baybaying-dagat ng Wawang Dapdap na malambat ang higanteng pawikan.

Ayon naman kay Fo­res­ter Gloria Aberin ng DENR CENRO na nakabase sa bayan ng Guiguinto, nag­responde sa naturang lugar, may sukat na 31-1/2 x 23 talampakan at may tatlong taong gulang ang naturang pawikan.

Nabatid na may mga gasgas pa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang pawikan na pinaniniwalaang galing sa mga matalim na bahagi ng baybayin.  

vuukle comment

AYON

BRGY

BULACAN

EDGAR PILAPIL

GLORIA ABERIN

GUIGUINTO

ISANG

JAIME CARPIO

NOEL ORIAS

WAWANG DAPDAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with