Trike bumaliktad: Buntis utas

QUEZON, Philippines – Patay ang 34-anyos na misis na anim na buwang buntis habang malubha naman ang kanyang mister makaraang maipit sa bumaliktad na traysikel sa kahabaan ng kalsada ng Barangay Tagabas sa bayan ng Catanauan, Quezon, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Irene Cabangon habang ginagamot naman sa Quezon Medical Center sa Lucena City si Remegio San Miguel, 29. Ayon kay SPO2 Isagani Gonzales, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na si Remegio na pa­tungong bayan ng Gumaca kaya bumangga sa railing sa gilid ng kalye. Dito na bumaliktad ang traysikel kung saan kapwa naipit ang mag-asawa.

Show comments