^

Probinsiya

Barangay chairman nilikida

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isa na namang barangay chairman na pinaniniwalaang nagbibigay ng impormasyon sa pulisya kaugnay ng operasyon ng mga rebeldeng New People’s Army ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa bisinidad ng Sitio Mahaba Isla, Barangay Dayhagan sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Chairman Vicente Lacbayog ng nabanggit na barangay. Tatlo sa limang rebelde ng suspek sa pamamaril ay nakilalang sina Ka Jeepy, Rico “Renz” Nunez, Jodito “Toto” Rojo. Base sa police report, nakatayo ang biktima sa bakuran ng kanyang tahanan nang isagawa ang pamamaslang. Kaswal na naglakad palayo ng crime scene ang mga armadong lalaki matapos isagawa ang krimen.

AROROY

BARANGAY DAYHAGAN

CHAIRMAN VICENTE LACBAYOG

ISA

JODITO

KA JEEPY

KASWAL

LEGAZPI CITY

MASBATE

NEW PEOPLE

SITIO MAHABA ISLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with