Bus hulog sa bangin: 2 bata todas

MANILA, Philippines - Dalawang bata ang iniulat na nasawi habang 40 iba pa ang nasugatan kabilang ang ilang nasa kritikal na kalagayan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa malalim na bangin sa bayan ng Madalag, Aklan kamakalawa.

Namatay ang Grade 6 pupil na si John Rey Nemis, 11; at Gerald Nadua, 1st year high school stude.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang aksidente sa Barangay Alaminos bandang alas-5:15 ng hapon.

Sinasabing overloaded ang bus at ang dalawang estudyante ay nakapuwesto sa bubungan nito.

Tumatahak ang bus na minamaneho ni Joephil Iguin patungong bayan ng Madalag mula sa bayan ng Kalibo nang makasalubong si kamatayan.

Nabatid na hindi kumagat ang preno ng bus habang papataas sa bahagi ng highway kaya dumausdos pabalik hanggang sa tuluyang nahulog sa bangin na may lalim na 10-talampakan.

Nagtamo ng grabeng sugat sa katawan ang mga biktima na agarang ikinamatay habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan.

Show comments