2 minero todas sa videoke bar

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dalawang mi­nero ang nasawi matapos na pagbabarilin ng isang kus­­tomer na hindi sinasadyang nasagi ng mga ito ha­bang patungo sa comfort room sa loob ng vi­deoke bar sa Barangay Puro, Aroroy, Masbate kamakalawa.

Na­kilala ang mga biktima na sina Ricardo R­ino aka Ricky 35-anyos at Joel Danao; pawang mga resi­den­te ng Barangay Tinago ng naturang bayan.

Sa­­­­man­tala ang suspek ay kinilalang si Allan Cordero 36, residente ng Sitio Siwayan, Barangay Bangon ng nabangit na lugar.

Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-8:00 ng gabi sa Rice Videoke bar. Nabatid na nag-ugat ang pamamaril matapos na hindi sinasadyang masawi ng mga biktima ang suspek. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments