Trader kinidnap

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang 60-anyos na negosyanteng babae sa bahaging hangganan ng Barangay Lagayas at Cabangan sa Basilan kamakalawa. Inilatag na ang task force para iligtas si Rose Baranda, sari-sari store owner ng Barangay Tumahubong, sa bayan ng Sumisip.

Lumilitaw na lulan ng pampasaherong jeepney ang biktima nang harangin ng mga armadong grupo at puwersahang tangayin.Hindi inaalis ang posibilidad na kagagawan ito ng mga bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom sa Western Mindanao.

Show comments