Biyudong magsasaka pinugutan
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 60-anyos na biyudong magsasaka makaraang pugutan kamakalawa sa Sitio Anapog, Barangay Palhon sa bayan ng Pio V. Corpuz, Masbate. Bandang alas-6 ng umaga kahapon nang matagpuan ang katawan ni Jimmy Sangutan sa may layong 200 metro mula sa kanyang bahay habang ang ulo nito ay nakasilid sa plastic bag.
Sumasailalim naman sa imbestigasyon ang limang kapitbahay ng biktima na sina Simo Pugay, Randy Pugay, Allan Pugay, Luciano Pugay at si Radem Pugay. Pinaniniwalaang agawan sa lupain kung saan nakatayo ang bahay ng biktima ang isa sa motibo ng krimen.
- Latest
- Trending