140 minero sinibak
LA TRINIDAD, Benguet, Philippines — Isang daan at apatnapung worker sa minahan ang sinibak sa kanilang trabaho ng Lepanto Consolidated Mining Company.
Kinuwestyon naman ng Lepante Employees Union sa pangunguna ni Manuel Binhaon ang ginawang hakbang ng kumpanya na ang katwiran ay nagbabawas sila dahil sa lugi.
Karamihan sa mga sinibak ay mga security, staff at rank and file workers.
Hindi naman kumbinsido ang mga worker sa katwirang lugi ang Lepanto mining mula noong 2005 dahil patuloy pa rin ang operasyon nito sa Mankayan, Benguet.
Ikinatwiran naman ng kumpanya sa pamamagitan ni Atty. Benedicto Carantes na nalulugi ang Lepanto mining ng P1.9 bilyon.
Iginiit pa ni Atty. Carantes na ang anumang pagkakautang ng kumpanya sa mga worker ay kanilang babayaran.
- Latest
- Trending