^

Probinsiya

Magsasaka todas sa kidlat

- Ni Tony Sandoval -

SARIAYA, Quezon, Philippines — Isang magsasaka ang na­sawi matapos itong tamaan ng kidlat habang nasa bu­kid kamakalawa sa Baran­gay Antipolo ng bayang ito.

Ang biktima ay nakila­lang si Ruel Mercurio, 35-anyos at nakatira sa Ba­ran­gay Morong ng bayang ito.

Ayon kay PO2 Alnor Tagara, bandang alas-3:00 ng hapon habang nasa bukid ang biktima at nagsa­saka gamit ang kanyang hand tractor kasama ang pinsan nitong si Ronaldo del Mundo ng biglang bu­muhos ang malakas na ulan.

Sumilong sa isang waiting shed si del Mundo ha­bang naiwan sa bukid ang biktima kahit matatalim na ang mga kidlat.

Nang tumila ang ulan ay bu­malik sa bukid si del Mun­do hanggang sa maki­ta nito ang biktima na umu­usok ang katawan mata­pos tamaan ng kidlat at na­kahandusay sa tubigan.

vuukle comment

ALNOR TAGARA

AYON

BARAN

ISANG

MUNDO

NANG

QUEZON

RONALDO

RUEL MERCURIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with