2 holdaper tinodas sa gulpi
NUEVA VIZCAYA, Philippines — Pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ng ilang kalalakihan ang dalawang lalaki na sinasabing nangholdap sa mag-asawang negosyante sa bisinidad ng Barangay San Mateo, sa bayan ng Tumauini sa Isabela ka makalawa.
Hindi na inabot ng pulisya ang dalawang ‘di-pa kilalang lalaki na sinasabing miyembro ng holdap gang.
Kinilala naman ng pulisya ang mag-asawa na sina Paulino Caranto, 39; at Maria Caranto, 36, ng Barangay Santa Catalina sa nabanggit na bayan.
Lumilitaw na hinarang ng dalawa ang mag-asawa bago nagdeklara ng holdap.
Gayon pa man, nakipag-agawan si Paulino sa holdaper na may hawak na baril kung saan pumutok at tumama sa binti ng isa sa suspek.
Akmang babarilin ng isa pang holdaper si Paulino subalit pinalo naman ng asawa ang kamay nito kaya nabitiwan ang baril.
Namataan naman ng ilang kalalakihan ang insidente kaya mabiis na sumaklolo at pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ang dalawa.
- Latest
- Trending