^

Probinsiya

Misis ni 'Lucio Tan' kinidnap; escort, driver inutas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kinidnap ng mga arma­do ang misis ng negos­yan­teng naging kapangalan ni Lucio Tan habang pinatay na­man ang driver at security escort nito sa Purok Salva­cion, Brgy. Rosary Heights 2 sa Cotabato City noong Bi­yernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Conchita Atienza Tan, may-ari ng LCT Hardware sa Don Ru­fino Alonzo St., Co­ tabato City.

Napatay naman ang security escort na si Alvin Doruelo at Richard Emberga matapos na makipagbarilan sa mga kidnaper habang kinakalad­kad ang kanilang amo. Lumilitaw sa imbesti­gas­­yon na lulan ng sasak­yan ang mga biktima pauwi nang harangin ng anim na arma­dong kidnaper na lulan rin ng isa pang behikulo.

Agad namang nakipag­ba­­rilan ang dalawang escort ni Conchita sa mga kidnaper sa hangaring iligtas ang kanilang amo subalit na­patay naman.

Narekober naman ng Task Force Tugis ni Lt. Col. Roy Galido ang inaban­donang FX (ULS-805) at maroon Mitsu­bishi Lancer na ginamit sa pag­dukot sa biktima sa ka­habaan ng HK Doton St. Poblacion 3, Co­tabato City.

Pinaniniwalaang dinala ang biktima sa Kakar River at Rio Grande de Mindanao sa direksyon ng Maguin­danao na sinasabing bal­war­te ni Pentagon KFR leader Mayangkang Sa­guile.  

ALONZO ST.

ALVIN DORUELO

CONCHITA ATIENZA TAN

COTABATO CITY

DON RU

DOTON ST. POBLACION

KAKAR RIVER

LUCIO TAN

MAYANGKANG SA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with