Mister kinatay ni misis
MANILA, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng isang umbagerong mister makaraang saksakin at pagtatagain ng kanyang misis sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Nuesa sa bayan ng Roxas, Isabela kamakalawa. Halos mabiyak ang bao ng ulo at nagkabutas -butas ang katawan ni Larrybell Canceran, 42, habang sumuko naman sa pulisya ang misis na si Erlinda Canceran. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na umuwing senglot ang mister kung saan mainit ang ulo at muling ginulpe nito ang kaniyang misis. Nang makatulog ang biktima ay inundayan ng sunud-sunod na saksak ng misis na hindi pa nakuntento ay pinagtataga ito. Sa pulisya, inamin ng misis ang krimen dahil punung-puno na umano siya sa kalupitan ng kanyang mister.
- Latest
- Trending




















