Chinese drug syndicates nalansag
MANILA, Philippines - Nalansag ng Intelligence operatives ng Bureau of Immigration (BI) ang isang sindikato ng droga na pinapatakbo ng isang dayuhan kasabay ng pagkakaaresto ng anim na Taiwanese na hinihinalang miyembro ng naturang sindikato sa Davao City kamakailan.
Sinabi kahapon ni BI officer in charge Ronaldo Ledesma na ang anim na Taiwanese ay naaresto noong Lunes sa loob ng kanilang tanggapan sa Torril Fish port sa nasabing lalawigan.
Kinilala naman ni Atty Faizal Hussin, BI Intelligence Chief ang mga naaresto na sina Lin Chin-Chun at Jan Jin Gwo na kapwa wanted sa Taipei dahil sa mga kasong illegal drugs.
Ayon naman sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Manila na si Lin ay isang overstaying tourist at wanted dahil sa drug smuggling sa Kaoshiung district court sa Taiwan habang si Jan naman ay undocumented alien at wanted sa district court sa Pingtong, Taiwan dahil naman sa paglabag sa anti-narcotics law.
Kabilang din sa mga ka sama ng mga pugante na naaresto sina Lin Hsin-Ching na expired na ang working visa, Liao Chia-Sheng, Hsu Yao Tsung at Lin PIng Yuan na pawang mga turista.
Ayon sa opisyal, nagpalabas siya ng mission order para sa mga suspek matapos na mabatid na ang dalawa sa mga ito ay wanted dahil sa kasong drug trafficking sa Taiwan.
Nadiskubre din na lu mabag ang mga dayuhan sa immigration law dahil sa nag-nenegosyo ang mga ito sa Pilipinas ng walang kaukulang visa.
- Latest
- Trending