^

Probinsiya

P3.1-milyong iligal na kontrata sa Gapo landfill nabuko

- Ni Randy Datu -

OLONGAPO CITY, Philippines  – Na­buko ang inililihim na P3.1 milyong kontrata sa pagta­tapon ng basura mula sa la­lawigan ng Pampanga pa­tu­ngo sa dumpsite ng Olon­gapo City.

Ayon kay Olongapo City Vice Mayor Rolen Paulino, iligal ang pagpapahintulot ng city hall sa kontratista mula sa Pampanga na itambak ang tone-toneladang basura sa dumpsite sa Barangay New Cabalan sa Olongapo dahil hindi pa naaaprobahan ng konseho ang kontrata.

“Dahil wala pang approval ang kontrata, palihim naman ang ginagawang pagtatam­bak ng basura sa landfill ng Olongapo,” dagdag pa ni Paulino.

Napag-alaman pa uma­abot sa 45 truckload ng ba­sura mula sa Pampanga ang palihim na ipinapasok sa dumpsite at nagbabayad ng P2,300 kada trak na may ka­buuang P3,105,000 kada buwan.

Dahil sa pagdagsa ng mga trak ng basura ay umalinga­saw ang napakasangsang na amoy hanggang kabahayan.

“Nakakasuka ang amoy na nagmumula sa tumatagas na katas ng nabubulok na basura kung kaya dumami ang mga langaw sa Cabalan at nakaamba ang panganib sa kalusugan ng mga residente,” wika pa ng opisyal

Ngayon lamang nakara­nas ang mga basurero na bumaligtad ang kanilang sikmura dahil sa masangsang na amoy ng basura.

Ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pag­pa­pahinto sa pagtatapon ng basura mula sa Pampanga dahil sa paglabag sa klasipi­kasyon ng ahensya.

AYON

BARANGAY NEW CABALAN

BASURA

CABALAN

DAHIL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

OLONGAPO

OLONGAPO CITY VICE MAYOR ROLEN PAULINO

PAMPANGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with