^

Probinsiya

Coed nakipag-break sa bf, sinaksak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na college student ang malub­hang nasugatan maka­raang pagsasaksakin ng kaniyang ex-boyfriend na nagtangka ring mag-suicide dahil sa pakikipag-break ng una sa loob ng motel sa La Paz District, Iloilo City kamakalawa ng umaga.

Kapwa nasa West Vi­sa­yas State University Medical Center ang babae na iti­nago sa pangalang Melba, 1st year sa kursong BS Accountancy sa Central Philippine University ha­bang 3rd year Engineering student naman ang suspek na si Paul Divinagracia, 20.

Sa phone interview, sinabi P/Senior Supt. Dennis Basngi, director ng Iloilo City PNP, ayaw pa nilang magbigay ng konklusyon sa insidente upang mapa­ngalagaan ang pangalan ng menor-de-edad na bik­tima habang nasa proseso pa ng imbestigasyon.

Lumilitaw na nakipag­kita si Melba kay Divina­gra­cia kung saan nag-check-in pa ang dalawa sa motel sa La Paz District.

Palaisipan sa pulisya ang ginawa ni Melba na sumama sa lodging inn sa dating kasintahan gayung nakipagkalas na ito.

Ayon kay Basngi, hindi pa makausap ang dalagita dahil iniinda pa nito ang tinamong sugat sa kali­wang bahagi ng likod na muntik tumagos sa kidney.

Tinangka rin ni Divina­gracia na mag-suicide matapos magsaksak sa tiyan dahil sa pagka-desperado.

Nagawa namang maka­ga­pang ng duguang dala­gita palabas ng kuwarto ng motel para makahingi ng saklolo.

vuukle comment

CENTRAL PHILIPPINE UNIVERSITY

DENNIS BASNGI

DIVINA

ILOILO CITY

LA PAZ DISTRICT

PAUL DIVINAGRACIA

SENIOR SUPT

SHY

STATE UNIVERSITY MEDICAL CENTER

WEST VI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with