Pekeng pulis, 1 pa arestado sa droga

KAMPO ALEJO SAN­TOS, Malolos City, Philippines — Da­lawang lalaki kabilang ang isa na nagpapanggap na kagawad ng pulisya ang naaresto ng mga awtori­ dad sa isinagawang drug buy bust operation sa barangay Lolomboy, Ma­rilao, Bula­can.

Kinilala ni P/CInsp. Marlon Santos ang mga suspek na sina Eduardo Legacion, 58, na nagpang­gap na pulis at Edizon Da­cer, 39 kapwa mga resi­dente ng naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon dakong alas-11:30 ng gabi ay nagsagawa ng buy-bust operations ang CIDG hang­gang sa maaresto ang mga suspek.

Narekober din sa da­lawa ang ilang gramo ng shabu at marked money na ginamit sa buy-bust operations.

Show comments