Sayyaf todas sa encounter

MANILA, Philippines - Isa na namang bandidong Abu Sayyaf na may patong sa ulo na P.350 milyon at sangkot sa pagdukot sa 20 turista sa Dos Palmas ang napaslang makaraang maka­sagupa ang tropa ng militar sa Barangay Lower Mangas sa bayan ng Lamitan, Basilan kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Abdukarim Sali, alyas Benjamin Sali kung saan narekober ang dalawang malalakas na kalibre ng baril, bala, at cellphone.

Show comments