3 sundalo utas sa Sayyaf

MANILA, Philippines - Tatlong sundalo ng Phil. Army ang iniulat na napaslang makaraang tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa liblib na Sitio Puno Limbonge, Barangay Lebbung sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan ka­ hapon ng umaga. Pansamantalang hindi muna tinukoy ang mga pangalan ng tatlong sundalo dahil kailangan pang impormahan ang kani-kanilang pamilya. Batay sa ulat na tinanggap kahapon ni Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng militar kabilang ang tatlo nang ratratin ng mga bandido.

Show comments