^

Probinsiya

Nene ni-rape sa frat hazing

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napariwara ang kina­ bukasan ng isang menor-de-edad na babae na sina­sabing sumali sa fraternity matapos itong gahasain ng dalawang miyembro bilang bahagi ng initiation rite sa bayan ng Quezon, Isabela.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya kasama ang mga magulang ng bik­timang itinago sa panga­lang Lilibeth, 2nd year high school.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Helimar Tagacay at Rakmel Valencia na kapwa nakatira sa Barangay Minagbag at mga miyembro ng Sama­hang llocano Fraternity.

Base sa ulat ng pulisya, sumailalim sa mga pag­subok ang biktima sa isi­nagawang initiation ng grupo sa bahay ni Louie Rayo noong Sabado (Set­yembre 4) mula alas-11 ng gabi hanggang alauna ng madaling-araw.

Lumilitaw na pinapili ang dalagita sa mga uri ng pag­subok kung saan hi­niling niya na madaling pag­subok na lamang ang ibigay su­balit hindi niya akalain na halinhinang siyang ga­gahasain ng dalawang suspek.

Sa impormasyong naka­rating sa pulisya, piniringan ang mga mata ng dalagita bago isagawa ang maitim na balak ng dalawang man­yakis na miyembro ng Samahang Ilocano Frat.

Nabatid na naantala ang paghahain ng reklamo ng biktima sa pulisya dahil nangambang saktan ng mga suspek.

Nabatid na naging tulala ang biktima kaya inusisa ng mga magulang hanggang sa aminin ang masaklap na sinapit sa dalawa.

vuukle comment

BARANGAY MINAGBAG

HELIMAR TAGACAY

ISABELA

LILIBETH

LOUIE RAYO

NABATID

RAKMEL VALENCIA

SAMAHANG ILOCANO FRAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with