2 tiklo sa P15-milyong shabu
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dalawang drug trafficker ang naares to makaraang makumpiskahan ng P15M halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng militar at pulisya sa pantalan ng Cataingan, Masbate kahapon ng umaga.
Sumasailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Faith Gadiane, 25; at Susan Hope Florita, 26, kapwa nakatira sa Cebu City.
Bandang alas-9:30 ng umaga nang masabat ang mga suspek na lulan ng Roro bus kung saan nakalagay sa bagahe ang high-grade shabu.
Ayon kay P/Senor Supt. Tomas Seminiano, provincial police director, palabas ng fascraft ang bus na sinasakyan ng dalawa mula sa bayan ng Pilar, Sorsogon ng madiskubre ang 5.28 kilong shabu.
Lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa modus operandi ng dalawa kaya kaagad na naglatag ng checkpoint sa pantalan.
- Latest
- Trending




















