Konsehal na imbentor nag-suicide

BULACAN, Philippines  — Pinanini­walaang matinding depres­yon ang isa sa dahilan kaya nagpakamatay ang isang konsehal at itinuturing na imbentor ng kauna-una­hang electric tricycle sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Lias sa bayan ng Marilao, Bulacan kamaka­lawa ng umaga.

Idineklarang patay sa Nazarenus Hospital sa Barangay Ibayo si Councilor Al­lan Agui­lar, 45, ng Meralco Village sa na­banggit na barangay.

Si Aguilar ay nagtamo ng tama ng bala ng 9mm ba­ril sa ilalim ng bibig.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon ni P/Supt. Ceasar Tan­nagan, nakarinig ng ma­­lakas na putok ang ka­sambahay na si Aurea Catacutan mula sa roof top ng bahay.

Nang matagpuan ang duguang katawan ng bik­tima ay kaagad na ipinag­bigay-alam sa asawang si Dra. Juvy Aguilar 46, veterinarian.

Narekober ang isang 9mm baril na pag-aari ng bik­tima kung saan suma­ilalim pa sa paraffin test ang kamay nito kaugnay sa tunay na dahilan kung mayroon itong foul play.

Subalit nanatiling tikom ang bibig ng mga kaanak kaugnay sa pagpa­paka­matay ng biktima.

Noong 2008 ay iprini­sinta ni Aguilar ang kan­yang im­bentong traysikel na pina­tatakbo ng baterya sa halip na gasolina kung saan uma­ni ng paghanga mula sa iba’t ibang sektor at sa ka­salu­kuyan ay hini­hintay na la­mang ang kum­pirmas­yon sa DOTC at NEDA.

Show comments