^

Probinsiya

Vice Governor Leviste guilty sa paghahasik ng kaguluhan

-

BATANGAS CITY, Philippines   — Nahatulan ng guilty beyond reasonable doubt si Batangas Vice Governor Mark Leviste ng Municipal Trial Court Branch mata­pos akusahang nag-mastermind ng pagtata­nim ng pekeng bomba sa loob ng kapitolyo noong Hunyo 8, 2006.

Sa 12-pahinang desis­yon ni Judge Eleuterio Bathan ng Fourth Judicial Region ng Municipal Trial Court Branch 2, pinatawan si Leviste na mabilanggo ng tig-isang taon at mul­tang P1,000 sa mga ka­song paglabag sa Article 143 at 153 ng Revised Penal Code (paghahasik ng kaguluhan sa pam­publi­kong lugar).

Base sa rekord ng korte, nagkagulo ang Batangas Provincial Capitol at Sang­guniang Panlalawigan ma­tapos magkaroon ng bomb threat kung saan nare­ko­ber ang pekeng bomba sa basurahan.

Idinawit naman si Vice Gov­ernor Leviste ng kan­yang personal driver na si Edward Ronquillo na sina­sabing nag-utos sa kanya na maglagay ng pe­­keng bom­ba para gu­luhin ang nagaganap na ses­yon sa Sangguniang Pan­la­lawigan.

Kakasuhan sana si Ron­quillo pero tumayo itong state witness at idi­niin si Leviste bilang utak sa nasabing pang­gugulo.

Mariin namang iti­nang­gi ni Leviste ang akusas­yon at nakatakdang mag­sampa ng apela sa loob ng 15-araw sa Regional Trial Court habang maka­kalaya ito matapos magpi­yansa.

BATANGAS PROVINCIAL CAPITOL

BATANGAS VICE GOVERNOR MARK LEVISTE

EDWARD RONQUILLO

FOURTH JUDICIAL REGION

JUDGE ELEUTERIO BATHAN

LEVISTE

MUNICIPAL TRIAL COURT BRANCH

REGIONAL TRIAL COURT

REVISED PENAL CODE

SANGGUNIANG PAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with