Bike vs kotse: 3 katao utas

RIZAL, Philippines — Tatlo-katao ang iniulat na nasawi maka­raang sumalpok ang kani­lang motorsiklo sa isang kotse sa bahagi ng ML Quezon Ext. sa Barangay San Roque sa Antipolo City, Rizal noong Lunes ng gabi.

Sa naantalang ulat na na­karating sa Rizal PNP, nakilala ang mga nasawi na sina Mark Anthony Ra­gon, 15, ng 77 A. Bonifacio Street, Brgy. Dela Paz; Lovelyn Remoyan, 16; at si Jackeren La Torre, 16, kapwa nakatira sa Alarcon Street, Brgy. Dela Paz.

Ayon sa ulat, nabangga ng kotse (XNH-869) ni Eme­rald Concepcion, 21, ang mo­­torsiklo ng tatlo dakong alas-11:30 ng gabi.

Naunang natagpuan ng pulisya ang mga bangkay nina Remoyan at La Torre.

Dahil naman sa kapal­pakan ng pulisya ay natag­puan ang ikatlong biktima na si Ragon noong Miyerkules ng hapon sa masukal na gilid ng ML Quezon Extension na naaagnas na.

Ikinatwiran naman ng pulis-Antipolo na madilim sa naturang lugar kaya hindi nila napansin ang bangkay ni Ragon.

Show comments