2 mekaniko binoga ng customer

MARAWI CITY, Philippines — Pinaniniwalaang hindi na­gus­tuhan ng isang customer ang pinagawa nitong sa­sakyan sa auto shop kaya pinagbabaril ang dalawang mekaniko sa Barangay Pantar Cawayan sa bayan ng Marantao, La­nao del Sur, ayon sa pulisya. Nagpa­pagamot sa Amai Pakpak Hospital ang mga biktimang sina Oding Gaffor, 30 at Osop Dianal habang tugis naman ng pulisya ang sus­pek na hindi pa na­kikilala. Lumilitaw na nagbigay na ng paunang bayad ang suspek sa dalawang mekaniko para ayusin ang kan­yang sasakyan. Subalit nang buma­lik ito sa auto shop ay hindi nagustuhan ang pinagawa kaya big­lang niratrat ang dalawa. Phil. Star News Service

Show comments