Driver minaso ng magtiyo

BALAGTAS, Bulacan , Philippines -  — Arestado sa isinaga­wang follow-up operation ang isang pahinante at tiyuhin nito na res­ponsable sa pagmaso sa ulo ng isang drayber habang nag­tatalo sa loob ng isang biga­san sa isang lugar sa Brgy. San Juan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/S Insp. Jose Sonza ang nasawing bik­tima na si Ronell Javier 45, residente ng Brgy. Bun­ducan sa bayan ng Bo­caue, habang nakapiit na BJMP-Balagtas ang mga suspek na sina Carlos Zamora 18, binata, alyas Dodong at Felipe Zamora 27, mga tubong Bago City, Negros Occidental at mga residente ng Brgy. San Juan, Balagtas.

Base sa imbestigasyon dakong alas-8:30 ng gabi ay masayang nag-iinuman sa loob ng Flor Rice Mill na nasa Brgy. San Juan sina Ronell at Felipe at ilan pang sandali ay nagkaroon na ito ng mainitang pag­tatalo hinggil sa ka­nilang trabaho na naging dahilan upang kunin ni Ronell ang isang mahabang kutsilyo na nasa mesa at tinang­kang saksakin si Felipe na agad namang humingi ng tu­long sa kanyang pa­mang­kin na si Carlos.

Nang marinig ni Carlos ang sigaw ng tiyuhin ay agad itong rumesponde bitbit ang isang mahabang maso saka ipinalo sa ulo ng biktima na ikinabasag ng bungo nito at naging sanhi ng kanyang kamatayan. Matapos ang pamamas­lang ay mabilis namang tumakas ang dalawang suspek.

Matapos ang insidente ay nasakote naman sa isina­gawang follow-up operation ang mag-tiyo.

Show comments