Bading tinodas ng 16-anyos na lover

CAVITE , Philippines -  — Naliligo sa sariling dugo ng matag­puan ng mga rumes­pon­deng pulis ang isang ba­ding na empleyado ng Department of Agriculture ma­tapos na pagsasaksakin ng gunting at kutsilyo ng ba­gets na boyfriend at tinu­lungan pa ng dalawang ka­samang kaibigan sa loob ng bahay ng una sa Trece Martirez City, Cavite kaha­pon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PSupt. Rey­nal­do Galam, hepe rito kini­lala ang nasawi na si Ri­car­­do Mojica, 50, emple­yado ng De­partment of Agriculture sa Naic, Cavite at residente ng B-2, L-18 Re­gina Ville Ex­e­cutive, Brgy. De Ocam­po, Trece Martirez City.

Agad namang naaresto ang mga kabataang suspect na itinago sa panga­lang Joey, umanoy lover ng nasawi, Joel at Jessie, pa­wang mga 16-anyos.

Sa imbestigasyon ni PO1 Eugene Baird, dakong alas-2:00 ng madaling araw ng itawag sa kanila ng isang residente ang tila nagkakagulong mga kala­lakihan sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Agad na rumesponde ang pulis at doon ay nakita ang nagtatagong sina Joel at Jessie sa loob ng kusina ha­bang nasa loob naman ng banyo si Joey kasama ang biktimang tadtad ng sak­sak sa katawan na agad ding isinugod sa General Ma­riano Hospital ngu­nit idi­neklarang dead-on-arrival ng mga mang­gagamot.

Sa pahayag naman ng isang suspek dakong ala-1:30 ng umaga nasa sala umano ang biktima at si Joey habang naglalam­bingan nang biglang mag­talo sa hinalang may ipina­gagawa ang biktima sa sus­pek ngunit tumanggi ang huli na naging dahilan ng pag-aaway ng mga ito.

Dito na umano nabur­yong ang suspek at agad na kinuha ang gunting at pinagsasaksak ang una at nagawa pang tumulong ng dalawang suspek at mag­kakatulong ding binuhat ang biktima at dinala sa loob ng banyo.

Narekober naman ang duguang gunting na may habang pitong pulgada sa sala na pinangyarihan ng krimen habang nasa ilalim naman ang duguang kut­silyo na may habang 12 pul­ga­da na ginamit pa rin sa krimen.

Show comments