^

Probinsiya

Pamilya ng hostage-taker nag-sorry sa mga naulila

-

TANAUAN CITY, Batan­gas, Philippines — Madamdaming humi­ngi ng paumanhin ang pa­mil­ya ni P/Senior Inspector Ro­lando Mendoza sa mga na­ulilang pamilya ng Hongkong na­tionals kaugnay sa naga­nap na Quirino grandstand siege noong Lunes ng uma­ga. Habang nasa lamay ni Mendoza sa Barangay Bana­dero, lumuluhang humingi ng paumanhin si Efren Mendoza, tiyuhin ng hostage-taker, sa mga pamilya ng walong na­sawi at iba pang nasugatan sa insidente. Nanawagan din si Men­doza sa International Community na huwag muna silang kondenahin habang hindi pa lumalabas ang re­sulta ng imbestigasyon ng mga kinau­ukulang ahensya ng pama­halaan. Umapela din si Efren kay Pangulong Noy­noy Aquino at sa pamunuan ng Philippine National Police para sa impartial investiga­tion. Sinisi rin ni Efren ang mga pulis na umaresto sa kapatid ni Capt. Mendoza na si SPO2 Gregorio Mendoza na naging mitsa para magwala ang pamangkin nang mapanuod sa telebisyon.

Nakatulong din sana anya sa nagosasyon ang anak na pulis na si Inspector Bismark Mendoza kung naiuwi lang kaagad ito sa Maynila.

“Hindi pinagbigyan ng pamunuan ng pulisya na madala kaagad sa Maynila ang anak ng aking pamangkin na manggagaling pa sa Abra, sigurado akong makikinig sa kanyang anak ang aking pamangkin,” kwento ni Men­doza Hindi pinahiram ng helicopter ng gobyerno si Bismark na manggagaling pa sa Abra papuntang Maynila.-” Kung nadala sana nila kaagad ang anak ng pamangkin ko baka hindi humantong sa trahed­ya ang situation,” pahayag pa ni Efren. Pilit nagpapa-reinstate si Capt. Mendoza sa serbisyo para makatakbong barangay captain sa kani­lang lugar kapag ito ay nag­retiro.

ABRA

BARANGAY BANA

CAPT

EFREN

EFREN MENDOZA

GREGORIO MENDOZA

INSPECTOR BISMARK MENDOZA

MAYNILA

MENDOZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with