^

Probinsiya

Consul General ng Indo nilooban

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nilooban ng mga ar­ma­dong kalalak­ihan ang bahay na tinutuluyan ng Consulate General ng Republic of Indonesia sa Davao City kama­ kalawa.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, bandang alas -7:40 ng gabi nang pasukin at ran­sakin ng mga armadong lalaki ang bahay ni Ferry Indrawan sa panulukan ng 6th at 3rd Streets, Phase 1, Ecoland sa Davao City.

Nadiskubre ang insi­dente matapos na umuwi si Indrawan at makitang nag­kalat ang mga gamit sa kabahayan kung saan winasak ang padlock sa unahang pintuan.

Kabilang sa natangay ay ang dalawang gintong kuwintas, pares ng hikaw na diyamante, gintong bracelet, Toshiba DVD player, antique jar, laptop, Sony MPS, Sony digital camera, Canon digital camera at P47,000 cash.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong inside job sa naganap na nakawan.

CAMP CRAME

CONSULATE GENERAL

DAVAO CITY

ECOLAND

FERRY INDRAWAN

INDRAWAN

KABILANG

REPUBLIC OF INDONESIA

SHY

SONY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with