Hepe ng pulis dedo sa NPA

MANILA, Philippines - Isang hepe ng pulisya na kabilang sa convoy na umaalalay sa mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources ang iniulat na napaslang matapos makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur noong Sabado ng hapon. Si P/Insp. Christopher Mazo ay idineklarang patay sa Lianga Hospital matapos na mapuruhan ng tama ng bala sa ulo. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, sumiklab ang sagupaan sa kahabaan ng Km 22 sa Barangay Danao, kung saan nakipagputukan ang pinagsanib na puwersa ng Army’s 58th Infantry Battalion (IB), at PNP Regional Provincial Safety Company ni Mazo laban sa grupo ng NPA.

Show comments