Nanuhol sa pulis, dinakma

BULACAN, Philippines  — Kulungan ang binagsakan ng isang manikyuristang babae na sinasabing nanuhol sa opisyal ng pulis ng malaking halaga para mapalaya ang kanyang kaibigang drug pusher sa Barangay Bancal, Meycauayan City, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ni P/Supt.Noli Pacheco ang suspek na si Elizabeth Malaca, 50, matapos maaresto dahil sa panunuhol kay P/Insp. Randy Korret para palayain si Ramises Cruz, 44, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report, si Cruz ay inaresto ni PO1 Manuel Mendoza matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu. Habang iniimbestigahan si Cruz sa himpilan ng pulisya ay nakipag-ugnayan si Malaca kay Korret para mapalaya si Cruz subalit maging siya ay inaresto sa kasong bribery.

Show comments