Trader dinedo sa kubo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Napaslang ang isang negosyanteng lalaki makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa ng hapon sa bisinidad ng Barangay 24 sa bayan ng Pioduran, Albay. Nasapol sa ulo ng bala ng baril si Willy Martinez, 46, ng Barangay Uno. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga ang biktima sa loob ng kubo nang pasukin at paslangin. Iniwan ng mga killer ang belt bag ng biktima na naglalaman ng P42 ,770.

Show comments