MANILA, Philippines - Patay ang isang Bangladesh national matapos na pagtulungang bugbugin ng tatlong holdaper ng manlaban sa Brgy. Bacarra, Ilocos Norte kamakailan. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang biktima ay nakilalang si Khomdaker Abadur Rahman. Ayon sa report, pinagtulungang gulpihin, hatawin ng kahoy sa ulo at saksakin ang biktima ng manlaban ito sa mga holdaper sa Sityo 1, Barangay Buyan, Bacarra. Tinangay ng mga suspek ang cash at alahas ng biktima.