Pulis-Cavite tinodas

CAVITE, Philippines – Isang pulis ng Cavite Provincial Intelligence Branch ang iniulat na nasawi makaraang mabaril sa isinagawang surveillance operation kamakalawa ng gabi sa Barangay Granados, sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Idineklarang patay sa San Jose Trauma Hospital dahil sa tama sa tiyan si PO2 Marvin Restrivera, 30, nakatalaga sa Camp Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Orlando “Lando” Javelosa, 29, ng Brgy. Olaes habang hindi naman nakilala ang dalawa pang kasama nito. Inaalam pa ng pulisya kung wanted ang suspek sa kasong pagpatay na rin sa Bulacan.

Show comments