2 tanod dedo sa pamamaril

BULACAN, Philippines — Napaslang ang dalawang barangay tanod habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa harap ng San Roque Barangay Hall sa bayan ng Hagonoy, Bulacan noong Lunes ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Villa­nueva, ang dalawang napatay na sina Edgardo Viray, Fer­nando Martin habang sugatan naman sina Domingo Galvez, at Joselito Guanzon. Si Viray na hepe ng tanod ay idineklarang patay sa Emilio G. Perez Memorial District Hospital sa­mantalang si Mar­tin ay namatay sa Bulacan Medical Center. Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa harap ng barangay hall ang mga biktima nang ratratin bandang alas-7:30 ng gabi. Ayon kay Villanueva, posibleng away ng mga rebel returnee ang isa sa motibo ng pamamaril. Dino Balabo at Boy Cruz

Show comments