3 tiklo sa P.3 milyong nakaw na manok

BULACAN, Philippines — Tatlo-ka­tao na sinasabing magka­kasabwat sa ninakaw na P.3 milyong halaga ng manok ang naaresto ng pulisya sa Barangay Pungo sa bayan ng Pulilan, Bula­can kamaka­lawa ng gabi.

Pormal na kakasuhan ng pulisya ang mga suspek na si Ronnel Pesa, 24, dray­ber; mag-asawang Cepe­rino Dionisio, 46 at Lucena Dionisio, ka­pwa nakatira sa Brgy. Bu­lihan, Malolos City, Bulacan.

Sa ulat ni P/Supt. Myrna Reyes, lumilitaw na kina­sabwat ni Pesa ang mag-asawang Dionisio para tangayin ang mga manok na lulan ng truck (CXC 671) na dadalhin sana sa bayan ng Hermosa, Bataan.

Nabatid na nagduda si P/Senior Insp. Jason San Pedro sa mag­kakaibang salaysay ng tatlo kaugnay sa naganap na haydyak kung saan inamin naman ni Pesa ang pag­nanakaw.

Show comments