Katiwala ng mayor dedo sa gulpi

BULACAN, Philippines — Napas­lang ang sinasabing kati­wala ni Mayor Eduardo “Jonjon” Vil­la­­nueva ma­tapos pagtulu­ngang gulpihin ng dalawang senglot na lalaki sa bisinidad ng Barangay Bunlo sa bayan ng Bocaue, Bulacan kaha­pon ng ma­daling-araw.

Halos mapisak ang muk­ha at mga mata ni Joevello Diamante, 52, habang na­ka­­­kulong naman ang mga sus­­pek na sina Michael Pas­cua, 32, tubong Brgy. Barat, Umi­ngan, Panga­sinan at Almario Abricio, 32, tubong Brgy. Malitbog, Southern Leyte at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Ronie Pas­cua, nagtungo ang dalawa sa tin­dahang pag-aari ni Mayor Villanueva subalit tinanggihan dahil sa kapwa lango na sa alak. Gayon pa man tinang­kang payapain ng biktima ang dalawang seng­lot ma­tapos itong magsisi­gaw sa may-ari ng tindahan.

Kasunod nito, pinag­bali­ngang gulpihin ng dalawang senglot ang biktima kung saan naisugod pa ito sa Bulacan Provincial Hospital subalit namatay din. Nalugmok ito sa semen­tong sahig at patuloy pa din ang ginawang pang­gugulpi sa biktima.

Show comments