Anak tinodas, ama nag-suicide

MANILA, Philippines – Pinatay muna ng ama ang sariling anak bago nag-suicide habang nasa kriti­kal namang kalagayan ang kaniyang misis mata­pos na pagbabarilin sa loob ng kanilang tahanan sa Bliss Sagkahan, Taclo­ban City, Leyte kahapon ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Arnel Albina habang patu­loy namang isinasalba sa Remedios Trinidad Ro­mual­dez Hospital si Engineer Rosalinda Albina.

Samantalang nagbaril naman sa sarili si Marino Albina, 50.

Sa ulat na nakarating ka­hapon sa Camp Crame, na­ganap sa tahanan ng pa­milya Albina sa nasabing lu­gar bandang alas-9:30 ng umaga.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon, walang sabi-sa­bing pinutukan ng ama ang kaniyang anak na si Arnel kung saan tinangka naman ng misis na awatin ang kani­yang mister subalit maging ito ay pinutukan ng cal. 9mm pistol.

Matapos ang pama­ma­ril sa mag-ina ay nag­baril na­man sa sintido ang ma­tandang Albina.

Sa pahayag ng mga kamag-anak ng pamilya Albina, wala silang alam na problema ng mga ito kaya labis nilang ikinabigla ang insidente kung saan pa­tuloy ang imbestigasyon.

Show comments