Pulis lunod sa beach

MANILA, Philippines - Nalunod ang isang pulis makaraang lumubog ang bang­ka na kanilang sinasakyan habang nagpapatrulya sa ka­ragatan ng Zone Beach Resort sa bayan ng Parang, Ma­guindanao, kamakalawa. Hindi na umabot ang buhay sa PNP Hospital sa Camp Brig. Gen. Salipada Pendatun si SPO2 Nilo Parcon, 43, ng Zone Beach Seaborne detachment sa nasabing bayan. Bandang alas-5:30 ng hapon nang mag-seaborne patrol ang pangkat ng pulisya subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay binalya ng alon ang bangka at nahulog sa dagat ang biktima. Tinangkang sagi­pin ang biktima pero nabigo na silang mailigtas ito. with trainees Mary Ann Chua / Mary Joy Mondero

Show comments