Mindoro, niyanig ng lindol
MANILA, Philippines - Niyanig kahapon ng magnitude-4.6 na lindol ang Occidental Mindoro sa Southern Luzon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol ay naitala ganap na alas -8:22 ng umaga kahapon at ang origin nito ay tectonic. Naitala din ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa may 24 kilometro timog silangan ng bayan ng Mamburao sa Occidental Mindoro.
Bunsod nito, naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 3 sa Mamburao, Puerto Galera sa Oriental Mindoro at Lian sa Batangas.
- Latest
- Trending