CAVITE, Philippines – Isa na namang negosyante ang iniulat na napaslang matapos pagbabarilin ng mga ’di-pa kilalang lalaki sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Lalaan 2 sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa. Natagpuan sa loob ng KIA Pride ang bangkay ni Mark Emerso Mendoza, 30, ng Brgy. Sabang, Dasmariñas, Cavite. Ayon kay PO1 Bonifacio Tanola Jr., napuruhan sa leeg si Mendoza kung saan iniwan sa loob ng kulay Beige na sasakyan na may plakang WAN-556. Blanko pa rin ang pulisya sa pamamaslang sa biktima.