P15M gamit-pangtroso sinunog ng NPA
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Aabot sa P15 milyong halaga ng 10- heavy equipments na ginagamit sa pagtotroso ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay San Miguel sa bayan ng Echague, Isabela.
Ayon kay Col. Loreto Magundayao, hepe ng Civil-Military Relations Battalion ng 5th Infantry Division sa bayan ng Gamu, nasaksihan pa ng mga manggagawa ang pagsunog sa mga equipment na pag-aari ng Montealto Logging Company.
“The firm’s workers were even forced to witness the burning while being held captive for the rest of the day before the terrorist group finally left the area,” pahayag ni Magundayao.
Nabatid na 5 truck at 5 bulldozer na sinasabing pag-aari nina Vic Lim, Jef Evangelista, at Rodolfo Lazaro ang hindi na mapapakinabangan.
Napag-alamang humihingi ng P1 milyon ang mga rebelde sa mga kompanya bilang entrance fee sa bawat bulldozer na pumapasok sa mga logging area at karagdagang P2 per board foot naman sa bawat mailalabas na kahoy.
- Latest
- Trending