4 patay sa kidlat, 2 pa sugatan

MANILA, Philippines – Patay ang apat katao habang dalawang iba pa ang malubhang nasu­gatan makaraang aksi­den­teng tamaan ng kidlat habang nagpapakain ng kanilang mga alagang bibe sa isang bukirin sa Baao, Camari­nes Sur kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Baao Police Station, naganap ang in­sidente sa Brgy. Teresita ng nasabing bayan ban­dang ala-1 ng hapon.

Kinilala ang mga na­ sawi na sina Roger Fe­lices, Mario Morilla, Benjie Mo­rilla at isang kinilala lamang sa pa­ngalang Michael.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng ma­tinding pagkasunog ng katawan na siyang aga­rang kumitil sa buhay ng mga ito.

Sugatan namang isi­nu­god ang mga bikti­mang sina Marie Felices, misis ni Roger at Jamila Leslie sa Bicol Medical Center sa Naga City.

Kasalukuyan uma­nong abala sa pagpapa­kain ng mga bibe ang mga biktima nang biglang umulan at kasunod nito ay isang ma­lakas na kidlat na sumapol sa katawan ng mga na­sawing biktima.

Show comments