Bus vs trak: 1 todas, 4 grabe

BATAAN, Philippines — Natigok ang isang pasahero habang apat iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mahagip ng pampasaherong bus ang tanker truck na nakaparada sa gilid ng Roman Superhighway sa Barangay Mambog sa bayan ng Hermosa, Bataan kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, Bataan PNP director, namatay si Roberto Apolinar habang nasa kritikal namang kondisyon sina Ana Zamora, Jazzel Dionela, Myrna Tapang at si Marinel Tapang na naisugod sa Bataan General Hospital. Lumilitaw na nag-overtake ang Bataan Transit Bus (CWW530) ni Reynaldo Aguilar sa kasunod na sasakyan patungo sana sa Maynila nang mahagip nito ang tanker truck (CWN101) na nakaparada sa kaliwang bahagi ng highway. Sumuko naman ang drayber ng bus para harapin ang kaukulang kaso.

Show comments