Espiya itinumba

MANILA, Philippines - Binistay ng bala sa ha­ra­pan ng kaniyang misis ng 20 mga pinaghihi­nalaang mi­yembro ng mga rebel­deng New People’s Army (NPA) ang isang itinutu­rong espiya ng gobyerno sa Barangay Ha­mogaway, Ba­yugan City, Agusan del Sur kama­kalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rudy Bu­ yog, 63-anyos, residente ng Brgy. Sta. Irene ng lung­sod.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 13, naganap ang insidente sa Purok 8 ng Brgy. Hamo­ga­way, Bayugan City ban­dang alas-4 ng hapon.

Kasalukuyang pauwi na ang biktima kasama ang misis nito nang harangin at pigilan ng mga rebelde sa loob ng isang oras at kala­hati saka pinagbabaril ang biktima sa kabila ng pag­mamakaawa ng mag-asawa.

Matapos mapatay ang biktima ay mabilis na nag­sitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kabundukan. Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa ma­susing imbestigasyon ang kasong ito. (with trainee Rafael Zapanta/ Mary Ann Chua)

Show comments