Misis natusta sa kidlat
PANGASINAN, Philippines — Isa na namang misis ang iniulat na nasawi makaraang tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Barangay Balingueo sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan noong Lunes. Halos matusta ang buong katawan ni Remedios Flores, 46, na sinasabing lumabas ng kanilang bahay upang magpakain ng mga alagang manok nang tamaan ng kidlat. Matatandaang isang ginang din sa bayan ng Binmaley ang tinamaan ng kidlat at nasawi noon Lunes ng hapon. Ang magkasunod na insidente ay naganap matapos manalasa ang buhawi na sinundan ng malakas na ulan at sunud-sunod na pagkulog.
- Latest
- Trending