^

Probinsiya

20 estudyante, guro nalason

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawampung estud­yan­te at guro ang isinugod sa ospital matapos na ma­lason sa pagkaing inihanda sa foundation day ng uni­bersidad sa Bacolod City kamakalawa.

Sa report na nakara­ ting sa Camp Crame, iba’t ibang putahe ang dinala ng mga estudyate at maging ng mga taga faculty ng iba’t-ibang departamento ng St. La Salle Bacolod para sa pananghalian ka­ugnay ng foundation day sa unibersidad.

Gayon pa man, ilang oras matapos ang panang­halian ay nakaramdam na ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka ang mga estudyante, guro at maging ang mga kawani ng faculty.

Karamihan sa mga estudyante ay mula sa Arts and Sciences, Commerce at Business Administration ay isinugod sa Riverside Medical Center at Bacolod Doctors Hospital.

Sa inisyal na pagsusuri ng mga doktor, lumilitaw na ilang putahe ang kinain ng mga biktima ay sinasabing panis.

Samantala, pito-katao naman ang naratay din sa ospital matapos na mala­son sa kinaing isdang bu­tete sa Barangay Lingga­nan, San Francisco, Suri­gao del Norte noong Huwe­bes ng umaga.

Nabatid na niluto ni Mar­celino Bantilan ang butete na ipinakain nito sa kani­yang mga kamag-anak na sina Joynilo Palomares, Claudio Bantilan, 44; Jo­ward Madrona, 24; Freddie Jun Pacot, 30; Ronald Amoncio, 22; at si Jimboy Roxas, 12.

ARTS AND SCIENCES

BACOLOD CITY

BACOLOD DOCTORS HOSPITAL

BARANGAY LINGGA

BUSINESS ADMINISTRATION

CAMP CRAME

CLAUDIO BANTILAN

FREDDIE JUN PACOT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with