Bata pisak sa gumuhong pader

BATANGAS, Philippines — Nag­wa­kas ng maaga ang kina­bukasan ng batang lalaki habang sugatan naman ang pinsan nito makaraang matabunan ng gumuhong pader sa Barangay 3, Lipa City, Batangas kama­ka­lawa ng hapon.

Namatay sa Lipa Medix Hospital si Richard James De Dios, 11, ng Barangay 9 Poblacion, Lipa City.

Samantalang sugatan na­man si Denver Malibi­ ran at kasalukuyang gi­na­ga­mot sa nabanggit na os­pital.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. George Da­dulo, hepe ng Lipa PNP, nag­lalaro ang magpinsan sa ibabaw ng kongkretong pader malapit sa sapa sa may TM Kalaw Street nang biglang gumuho at mata­bunan ang dalawa.

Sa panayam kay Ba­rangay Captain Armando Cornejo na posible na lu­mambot dahil sa patuloy na pag-ulan sa nakalipas na araw kaya tuluyang gu­muho ang pader.

Show comments