^

Probinsiya

2,500 nakinabang sa patubig ni Gov-elect Ebdane

- Ni Alex Galang -

ZAMBALES, Philippines — Pormal na pinasinayaan ni Governor-elect Hermogenes Eb­dane, Jr. ang kauna-unahan water supply system sa Barangay Batiawan sa ba­yan ng Subic kung saan ma­bebenipisyuhan ang may 2,500 residente na ang karamihan ay mga katu­tubong Aeta. Ang proyekto ay isina­ka­tuparan ng Zambales office ng Department of Public Works and Highways mata­pos mamagitan si Ebdane na dating Kahilim ng DPWH sa kahilingan ng mga resi­dente ng Batiawan noon pang 2009. Nabatid na ang mga residente ay kinakailangan pang maglakad ng 3-kilo­metro upang makakuha lamang ng inuming tu­big sa sapa simula nang maitatag ang ba­rangay noong 1955. “Pinagsikapan at binig­yang pansin natin na ma­bigyan ang mga residente ng malinis at maiinom na tubig para na rin sa kani­lang kalusugan,” pahayag ni Ebdane sa ginanap na sim­pleng seremonya sa ba­rangay center. Dalawang deep well system pa ang nakatak­dang ipatayo upang mabe­nipis­yuhan ng water system ang mga residente, ayon pa kay Ebdane. Nabatid na si Ebdane ay kauna-unahan gobernador ng Zambales na nakarating sa nabanggit na lugar ay pinasa­la­matan ni Batiwan Barangay Chairman Jose Lawag.

AETA

BARANGAY BATIAWAN

BATIAWAN

BATIWAN BARANGAY CHAIRMAN JOSE LAWAG

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EBDANE

HERMOGENES EB

NABATID

SHY

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with