Jeepney niratrat: 4 katao dedo

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng apat na si­bilyang lulan ng pampa­saherong jeepney maka­raang pagbabarilin ay pi­nagtataga pa ng mga ban­didong Abu Sayyaf Group kung saan anim iba pa ang malubhang nasu­ga­ tan sa panibagong pag­ha­hasik ng lagim sa bayan ng Su­ misip, Basilan ka­ma­­ka­lawa.

Sa text message, kini­lala ni P/Senior Supt Antonio Mendoza ang mga na­sawi na sina Salsijan Am­puan Sali, 22; Weng Cir­culado, 35, driver ng jeep­ney; Solis Aspalun, 17; at isang alyas Ibang.

Nasa Basilan Community Hospital ang mga su­gatang sina Hamid Hasilun, 45; at Nurjied Muhajilon,10.

Naganap ang pana­nam­bang sa kahabaan ng Sitio Stardust, Brgy. Tubi­gan, Maluso kung saan lulan ang mga biktima ng pam­pa­saherong jeepney patu­ngong Cabcaban, Basilan mula sa Isabela City.

Ayon sa ulat, dalawa ang kaagad na nasawi habang ang dalawa na lumundag mula sa jeep­ ney ay niratrat at pinag­tataga.

Nakaligtas naman ang isang10-anyos na lalaki matapos pagtatagain ng mga bandidong kaagad naman tumakas mata­ pos mamataan ang tropa ng militar.

Show comments