Kasong pananakit vs mag-utol na Pangandaman binasura ng DOJ
MANILA, Philippines - Binaliktad kahapon ng Department of Justice (DoJ) ang nauna nang desisyon ng Antipolo City Prosecutors Office na sampahan ng kasong child abuse at slight physical in-juries ang dalawang anak ni dating Agriculture Sec-retary Nasser Pangan-daman kaugnay sa pam-bu-bugbog sa isang menor de edad at sa ama nito sa loob ng Valley Golf Club sa Antipolo City noong 2008.
Sa walong pahinang resolusyon ni Justice Sec-retary Alberto Agra, mas kinatigan nito ang depensa nina Masiu Lanao del Sur Mayor Nasser Panganda-man Jr. at kapatid na si Hussein na dinipensahan lamang nila ang kanilang sarili.
Bukod dito hindi rin umano nila batid na menor de edad ang isa sa mga biktima dahil sa malaking bulas ito kung kayat hindi maaaring kasuhan ng child abuse.
Dahi dito kayat inata-san ni Agra ang Antipolo Pro-secutor’s office na ba-wiin sa hukuman ang inihain nitong impormas-yon laban sa mga Pa-ngandaman.
Iginiit ng mga Pangan-daman na dumepensa lamang sila sa ginawang pag-atake sa kanila ni Bino dela Paz, 14 na taong gulang kung saan nasak-tan nila ito at hindi rin umano nila nadetermina na menor-de-edad ang kanilang naka-away.
Batay sa rekord na-ganap ang insidente no-ong December 26,2008 kung saan kasalukuyang naglalaro ang mga biktima at mga Pangandaman ng golf sa Valley Golf and Country Club, at nasa hole 6 na umano ang pamilya dela Paz nang bigla silang unahan ng mga Pangan-daman na nauwi sa sa-gutan hanggang sa paluin ng payong ni Delfin dela Paz si Nasser Jr. na pinag-ugatan ng kaguluhan.
Nasa ganitong tagpo sila ng pumagitna naman ang anak ni dela Paz na si Bino dahilan upang ma-saktan din ito.
Naging kontrobersiyal ang kaso dahil na rin sa anak ng kalihim ng DAR ang sangkot sa insidente.
Humingi na ng pa-uman--hin ang mga Pa-ngan-daman sa mga bik-tima subalit tumanggi ang mga dela Paz na makipag-ayos.
- Latest
- Trending